Book Creator

Ang Kuwento ni Roselle Ambubuyog

by DANIELLE SAMANTHA QUINTO

Cover

Loading...
Loading...
Grade 7
Ikaapat na Markahan
MODYUL 13: MANGARAP KA!
Loading...
Loading...
Bilang bahagi ng PAGPAPALALIM sa iyong pag-unawa, halina't basahin ang sumusunod na anekdota.
Ang Kuwento ni Roselle Ambubuyog
Anim na taong gulang si Maria Gennett Roselle Rodriguez Ambubuyog ng atakihin ito ng matinding hika. Sa kasamaang palad, lingid sa kaalaman ng mga doktor at magulang nito, mayroon pala siyang Steven Johnson’s Syndrome (SJS).

Dahil sa kondisyong ito, hindi tinanggap ng kanyang katawan ang gamot na magliligtas sa kanyang buhay, sa halip ay naging sanhi ito ng kanyang pagkabulag. 
Ayon sa kanya, maging sa murang edad na iyon, hindi niya kailanman naisip na sisihin ang Diyos sa kanyang pagkabulag o mahabag sa kanyang sarili. Para sa kanya, lahat ng mga nagyayari ay may dahilan at plano ang Diyos. 
Sa kabila ng kanyang pagkabulag, ipinagpatuloy ni Roselle ang kanyang pag-aaral. Pangarap niyang makapagtapos nang may karangalan. Tinanggap niya ang pinakamataas na karangalan sa paaralan mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo. Pinili ni Roselle na magpasalamat sa mga biyaya at ibahagi ang mga biyayang ito sa ibang tao. 
 Pinili ni Roselle na magpasalamat sa mga biyaya at ibahagi ang mga biyayang ito sa ibang tao. Siya ang kauna-unahang bulag na naging summa cum laude ng Ateneo de Manila at nagtapos ng Bachelor ng Science sa Matematika at minor sa Actuarial Science.
PrevNext