Book Creator

Ang Kuwento ni Roselle Ambubuyog

by DANIELLE SAMANTHA QUINTO

Pages 2 and 3 of 11

Grade 7
Ikaapat na Markahan
MODYUL 13: MANGARAP KA!
Bilang bahagi ng PAGPAPALALIM sa iyong pag-unawa, halina't basahin ang sumusunod na anekdota.
Loading...
Loading...
Ang Kuwento ni Roselle Ambubuyog
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Anim na taong gulang si Maria Gennett Roselle Rodriguez Ambubuyog ng atakihin ito ng matinding hika. Sa kasamaang palad, lingid sa kaalaman ng mga doktor at magulang nito, mayroon pala siyang Steven Johnson’s Syndrome (SJS).

Dahil sa kondisyong ito, hindi tinanggap ng kanyang katawan ang gamot na magliligtas sa kanyang buhay, sa halip ay naging sanhi ito ng kanyang pagkabulag. 
Ayon sa kanya, maging sa murang edad na iyon, hindi niya kailanman naisip na sisihin ang Diyos sa kanyang pagkabulag o mahabag sa kanyang sarili. Para sa kanya, lahat ng mga nagyayari ay may dahilan at plano ang Diyos. 
Sa kabila ng kanyang pagkabulag, ipinagpatuloy ni Roselle ang kanyang pag-aaral. Pangarap niyang makapagtapos nang may karangalan. Tinanggap niya ang pinakamataas na karangalan sa paaralan mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo. Pinili ni Roselle na magpasalamat sa mga biyaya at ibahagi ang mga biyayang ito sa ibang tao. 
 Pinili ni Roselle na magpasalamat sa mga biyaya at ibahagi ang mga biyayang ito sa ibang tao. Siya ang kauna-unahang bulag na naging summa cum laude ng Ateneo de Manila at nagtapos ng Bachelor ng Science sa Matematika at minor sa Actuarial Science.
Natamo niya ang lahat ng karangalang maaaring makamit ng isang mag-aaral sa Ateneo: ang Ateneo President’s Award bilang Valedictorian ng Class 2001, ang Ateneo Vice-President’s Most Outstanding Individual award para sa paglilingkod at kahusayan, ang St. Ignatius award para sa pinakamahusay na Scholar, at ang Departmental award para sa Matematika. 
Itinatag ni Roselle ang Project Roselle, isang proyektong nagkakaloob ng mga kompyuter, scanners at Braille printers, maging ang teknolohiya tulad ng screen readers, screen magnifiers at optical character recognition (OCR) applications sa mga paaralang pampubliko na may mga magaaral na bulag. 
Habang nakabase sa Pilipinas, nagtrabaho si Roselle bilang isang taga-sangguni para sa Human-Computer Interaction at Freedom Scientific, Inc., na lumilikha ng Windows PC solutions para sa mga taong may kapansanan sa paningin at learning disabilities.
PrevNext