Book Creator

Hiling ng Isang Diyosa

by Vircilyn Boybanting

Cover

Loading...
Loading...
Hiling ng Isang
Diyosa
Loading...
ni Vircilyn L. Boybanting
Loading...
TTL2
MIDTERM
PROJECT
MGA TAUHAN
AMIRA
Diyosa ng Pangako
SEFARINO
Isang mortal na mangangaso
AGAPIYA
Diyosa ng Pag-ibig at nakakatandang kapatid ni Amira
Sa pinakamataas na alapaap, mayroon itong isang kaharian. Ang kahariang Delulu. Dito naninirahan ang mga Diyos at Diyosa na namumuno at nagpapanatili sa kaayusan ng mga mortal. Ang mga naninirahan dito ay tinatawag na mga Dilusyana.

Isang araw, naatsan si Agapiya, ang Diyosa ng pag-ibig na bumaba sa lupa upang tingnan nag kalagayan ng mga mortal . Narinig ito ng kaniyang kapatid na si Amira, ang Diyosa ng pangako. Siya ang pinakamagandang Diyosa at mabait, ngunit nuknukan ng kulit. At dahil mahilig si Amira sa adventure, nais niyang sumama sa kaniyang kapatid sa pagbaba sa lupa.

Pagdating ni Agapiya sa kaniyang silid, nangulit ng nangulit si Amira na isama siya sa pagbaba sa lupa. Ayaw niyang sumama ang kaniyang kapatid sa kaniyang pagbaba sa pangambang mapapahamak lang ang kaniyang kapatid doon. Ngunit hindi parin sumuko si Amira sa pangungulit na isama na siya rito. Nangako din siya sa kaniyang kapatid na kapag isama siya nito ay hindi siya aalis sa kaniyang tabi para hindi siya mapapahamak. Dahil sa kakulitan at mahal na mahal ni Agapiya ang kaniyang kapatid at ayaw niya itong nakikitang nalulungkot, pumayag siyang isama ito.
Sa kanilang pagbaba sa lupa, namangha si Amira sa kaniyang mga nakita. Labis ang kaniyang tuwa sapagkat sa mga kwento niya lang naririnig ang patungkol sa lugar ng mga mortal. Madalas itong naikuwento ng mga Delusyanang naatsan nang bumaba sa lupa. Kaya hindi niya pinalagpas ng malaman niyang ang kaniyang kapatid na ang naatasang bumaba.

Ngunit sa kaniyang pagmuni-muni, nataranta na lamang siya ng napansin niyang siya'y napahiwalay na pala sa kaniyang kapatid. Nataranta siya at nabahala sapagkat nangako siyang hindi lalayo dito, at bilang Diyosa ng pangako dapat niyang tuparin ang kaniyang binitawang pangako sa kaniyang kapatid, ang hindi aalis sa tabi nito.

Hinanap niya ng hinanap ang kaniyang kapatid na si Agapiya. Sa kaniyang pagkataranta at pagkabalisa, hindi na niya namalayan ang mga nangyayari sa kaniyang paligid. Nagulat na lamang siya ng may bumagsak sa kaniyang likuran. Pagtingin niya sa kaniyang likuran ay nagulat siya sa kaniyang nakita.

Ito ay isang mabangis na hayop na may nakatarak na pana at nangingisay-ngisay.

"Ayos ka lang ba binibini?" tanong ng isang tinig.

Nang tingnan niya ito ay isang makisig na lalaking mortal. At naisip niyang ito siguro ang pumana sa mabangis ma hayop dahil sa dalang pana nito.
"Okay lang ako Ginoo." Sagot niya rito.

"Ako nga pala si Sefarino," Pakilala ng makisig at matipunong lalaki.

"Ako naman si A,,,hmm... Mira... Mira ang pangalan ko."

Sa paglapat ng mga kamay ng dalawa ay mayroon silang hindi maipaliwanag na nadarama.

"Amira! Nandito ka lang pala! Tara na at baka pagalitan pa tayo dahil ang tagal nating bumalik!" Biglang dating ni Agapiya at kinaladkad si Amira sapagkat siya'y nabahala sa kaniyang nakita.

Sapagkat nakita niya ang dalawang napapalibutan ng mga pulang puso, ang simbolo ng pag-ibig. Naalala niya ang piankamahigpit na batas sa kanilang mga Diyos, ang batas na bawal umibig sa hindi kauri. Lalo na at isang mortal ang lalaking nakilala ni Amira.

"Ate, bakit mo iyon ginawa? hindi tuloy ako nakapagpasalamat sa pagligtas niya sa akin." Litaniya niya sa kaniyang kapatud.

"Ito na nag una't huli mong pagbaba sa lupa Amira!"

"Pero..."

"Tapos ang usapan Amira!"

Hindi na nakaimik si Amira sapagkat alam niyang galit ang kaniyang kapatid sa kaniya. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung baakit ganun nalang ito nagalit sa kaniya, na pati pagbaba niya sa lupa ay ipinagbabawal nito. Galit ba ito sa kaniya dahil sa hindi niya pagtupad sa kaniyang pangako o may iba pa itong dahilan nang ikinagagalit nito.
Nakabalik na nga ang magkapatid sa kaharian ng Delulu . Gusto sanang humingi ng paumanhin si Agapiya sa inasta niya sa kaniyang kapatid. Ngunit naisip niyang nakabubuti ito sa kaniya, gusto man niyang maging masaya ang kaniyang kapatid, ngunit ayaw niya itong mapahamak, lalo na na mahigpit ang parusang ipapataw kapag nilabag ang kanilang batas.

Lumipas ang mga araw, ngunit hindi parin mawala sa isip ni Amira ang pagtatagpo nila ni Sefarino. Gayundin si Sefarino sa lupa, parati siyang bumabalik sa gubat kung saan niya unang nakita si Amira, nagbabakasakaling masilayan niya itong muli.

Dahil sa kakulitan ni Amira at dahil sa hindi niya maipaliwanag na nadarama, gustong gusto niya ng makita si Sefarino. Kaya palihim siyang bumaba sa lupa.

Sa kaniyang pagbaba sa lupa, pumunta kaagad siya sa gubat kung saan ang unang pagtagpo nilang dalawa. Ngunit nalungkot siya sapagkat walang Sefarino ang kaniyang nasilayan.

Gayunpamay mas nanaig ang kagustuhan niyang makita si Sefarino. Kaya naglilibot-libot siya sa gubat, nagbabakasakaling sa pangalawang pagkakataon ay masilayan na niya ito.

Sa kaniyang paglilibot ay may narinig siyang agos ng tubig, tamang-tama at siya'y nauuhaw, kaya sinundan niya ang pinagmulan ng ingay. Pagkarating niya ay namangha siya sa kaniyang nakita, sapagkat ito ay isang batis na masagana at may malinaw na tubig. Kaya dali-dali siyang uminom dito.
PrevNext